Iwasan ang Child Trafficking! Palakasin ang Komunidad Upang Labanan ang Child Trafficking

Ang child trafficking ay isang negosyo  kung saan ang pangunahing produkto ay ang mga bata at kababaihan. Sila ay nire-recruit at binebenta para sa prostitusyon o pornograpiya, sapilitang pagtatrabaho, pang-aalipin, pati na ang pagbebenta ng mga bahagi ng katawan (organ trade). Ang mga bata ay kadalasang nare-recruit dahil sila ay na-enganyo, nakumbinse, nalinlang, nasuhulan, isinama nang sapilitan sa pamamagitan ng pagkidnap o paninindak. Sila ay dinadala sa ibang lugar o inilalabas ng bansa. Ang mga gawaing ito ay labag sa karapatan ng mga bata at ipinagbabawal ng batas laban sa trafficking o RA 9208, ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Bakit nangyayari ang Child Trafficking?

Kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nagiging biktima ng trafficking. Dahil sa kagustuhang makahanap ng trabaho o anumang mapagkakakitaan, marami sa mga mahihirap ang nagiging mapusok at pumapasok sa kahit anong uri ng sitwasyon na sa tingin nila ay mayroon silang kikitain. Sa ganitong sitwasyon o kondisyon nagaganap ang trafficking.

Negosyo ng pagbebenta ng mga tao ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit patuloy na maraming tao – kabilang ang mga bata – ang nirerekrut at ibinebenta para sa para sa iba’t ibang anyo ng pagsasamantala tulad ng prostitusyon, pwersadong pagtatatrabaho, pagbebenta ng mga bahagi ng katawan ng tao tulad ng bato, at iba pang mga anyo ng pagsasamantala.

Kakulangan sa edukasyon at impormasyon  ay lalong naglalapit sa mga mamamayan sa posibilidad na ma-traffick. Marami sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay kulang sa skills para sila ay makahanap ng trabaho na nangangailangan ng sapat na kaalaman o kasanayan (skilled labor). Kasama na rin dito ang mga batang wala sa paaralan dahil sila ay tumutulong sa paghahanap-buhay para sa pamilya o dahil hindi sila kayang pag-aralin ng mga magulang. Dahil walang sapat na impormasyon at kasanayan upang maging mapanuri, nalilinlang sila ng mga recruiter.

Gender Discrimination ang pagsasamantala sa pamamagitan ng pagbebenta sa kababaihan at kabataan para sa murang sex at lakas paggawa. Ang pagiging katanggap-tanggap sa ating lipunan ng pagbili ng mga kalalakihan sa sekswal na serbisyo ng mga babae at bata ay  pangunahing dahilan din kung bakit lumalago ang industriya ng trafficking. Ang  mababang pagtingin sa kababaihan at kabataan  ay makikita din sa pagpapatrabaho sa kanila bilang mga kasambahay at sa iba pang mga labor intensive o mabusising mga gawain, at sa sapilitang pagpapakasal sa kanila sa  mga taong nangangako (laluna ang mga “foreigners”) na sasagutin ang kanilang  pag-aaral at/o makakapagbigay sa kanila ng magandang buhay.

Armadong labanan at mga disaster dala ng pagkasira ng kalikasan ay nagreresulta sa pagkasira ng tirahan, ari-arian, sakahan, at negosyo. Ang ganitong kawalan ng  oportunidad at seguridad sa paghahanapbuhay at pamumuhay ay madaling nakakahikayat sa mga tao na pumayag at sumama sa mga recruiter upang dalhin ang biktima sa lugar na may mapagkakakitaan.

Internet at modernong teknolohiya tulad ng cellphone, bagamat malaki ang naitutulong sa ating pag-unlad, may kasama rin itong panganib dahil ang internet at cellphone ay nagiging daan para magamit ang mga bata para sa pornograpiya, cybersex at sex tourism. Nagiging madali na rin para sa mga traffickers ang kumontak at manloko sa mga biktima sa pamamagitan ng internet at cellphone.

Magulong sitwasyon ng pamilya lalo na kung may pang-aabuso (pisikal o sekswal). Ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso ay mas nakakaisip maglayas. Sila ay pikit-matang sumasama sa mga nag-aalok ng trabaho o nangangako ng magandang hanapbuhay nang hindi napag-iisipan ang mga panganib. Ganito rin ang pag-iisip ng mga batang napabayaan dahil sa migrasyon (pag-alis ng magulang para magtrabaho sa ibang lugar o bansa) at walang responsableng tao (adult) na nag-aalaga sa kanila.

Ano ang magagawa?

Bawat isa – Dagdagan ang kaalaman tungkol sa trafficking. Magbasa. Makinig sa mga forum. Alamin ang tamang impormasyon mula sa pamahalaan at mga mapagkakatiwalaang organisasyon tulad ng PACT.

Magulang – Sikaping mapanatiling mapayapa at puno ng pagmamahalan ang tahanan.

  • ·Gawing pantay ang pagtingin, pagpapahalaga at pag-aalaga sa bawat anak.
  • ·Gawing prayoridad ang edukasyon at patuloy na pagpasok sa paaralan ng mga bata hanggang sila ay makapagtapos.
  • ·Sa mga pagkakataon na kailangang malayo sa ibang lugar o bansa, ihanda at ipaliwanag nang mabuti ang sitwasyon sa mga anak. Pumili ng taong mapagkakatiwalaan na makakasama at kakalinga sa mga anak.

Guro at paaralan – Bigyan ng extra skills o karagdagang kaalaman ang mga bata at school personnel upang tumalas ang kanilang mapanuring pag-iisip. Ito ang magbibigay sa kanila ng kakayanan na protektahan ang kanilang sarili sa pagtukoy at pag-aksyon laban sa trafficking.

  • ·Tumulong na mapanatili sa paaralan ang mga bata: alamin ang mga scholarship at tulong pinansyal na inaalok ng mga sumusunod: iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga opisyal ng pamahalaan (senador, kongresista), lokal na pamahalaan (mayor, kagawad, barangay captain), mga pribadong organisasyon at indibidwal. (Ngunit i-monitor din ang mga indibidwal na nag-aalok ng tulong o sponsorship dahil isa rin itong paraan ng pagsasamantala sa mga bata.)
  • ·Alamin ang Alternative Learning System ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd).

Komunidad – Kumbinsihin ang mga magulang na maghanap pa ng ibang paraan upang kumita maliban sa pagpayag na lumayo ang kanilang anak – bata man o adult – upang magtrabaho.

  • ·Palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng paglinang sa kakayanan ng mga tao, pagkakaroon ng mga community-based alternative livelihood programs, at pagsuporta sa agrikultura at lokal na mga negosyo. Ito ang mag-aangat sa kalidad ng kabuhayan ng mamamayan. Sa gayon, hindi mapipilitan ang mga bata na magtrabaho at mapipigilan na sila ay ma-traffick.
  • ·Alamin sa barangay kung mayroong mga libreng training na maaaring makatulong at makapagbigay ng karagdagang kaalaman at skills sa mga residente.
  • ·Ingatan at alagaan ang kapaligiran at kalikasan, alamin ang mga paraan ng waste management (reduce, reuse, recycle) ayon sa batas.

Barangay at lokal na pamahalaan – Patuloy na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa trafficking at makiisa sa kampanya laban sa trafficking kabilang na ang pagbabantay sa komunidad para maiwasan/mapigilan/masugpo ang insidente ng trafficking.

  • ·Patuloy na i-monitor kung may nagaganap na recruitment sa komunidad. Maaaring gumawa ng ordinansa na ang mga recruiter ay dapat nakarehistro sa barangay bago sila payagang mag-recruit ng mga residente.
  • ·Maaari ring ipa-rehistro sa barangay ang lugar na paglilipatan ng mga residente
  • ·Bumuo ng Barangay Child Protection Council o Barangay VAW desk (o kung maaari ay pareho), na siyang tutugon sa pag-iwas, pagsugpo at hahawak sa mga kaso ng trafficking sa barangay.
  • ·Magkaroon ng mahigpit na ugnayan sa mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng inter-agency council against trafficking (IACAT), o local councils for the protection of children (LCPC) o gender and development councils sa mga munisipyo o siyudad para sa mabilis na paghingi ng tulong para sa mga biktima at para rin sa mga programa laban sa trafficking na maaaring ilunsad sa inyong barangay.
  • ·Dapat tiyakin ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ang mga serbisyo at oportunidad ay nakararating sa komunidad, lalo na sa mga pinakanangangailangan nito (grassroots level). Kasama rito ang mga serbisyo tulad ng: micro-credit o suporta para sa maliliit na negosyo, skills training o karagdagang kaalaman at kakayanan upang makahanap ng trabaho.
  • ·Tumulong sa pagpapalakas at pagpapatupad ng batas laban sa trafficking sa pamamagitan ng pagpasa ng mga ordinansa na makakatutulong sa bawat barangay upang maiwasan at masugpo ang trafficking.
  • ·Patuloy na makipagtulungan sa mga iba’t ibang organisasyon – NGO’s, people’s organizations, civic organizations at mga organisasyon ng simbahan – na nagbibigay ng impormasyon ukol sa trafficking.
  • ·Para sa mga pamahalaang panglunsod at pambayan, ang pagbubuo o pagpapalakas ng LCPCs sa pamamagitan ng pagsasama ng isyu ng trafficking sa kanilang gawain o kung wala pa, ang pagbubuo ng lokal na inter-agency council against trafficking at violence against women and children (LCAT-VAWC) para sa epektibong pagtugon sa trafficking sa kanilang lugar.

Sa pamamagitan ng mga gawaing nabanggit, ating mapapalakas ang mga komunidad upang epektibong matigil ang trafficking, kasama na ang child trafficking, sa ating mga komunidad.

Ang child trafficking ay isang krimen. I-report ang mga kaso ng trafficking sa barangay, pulisya, DSWD o tumawag sa Action Line 1343 (Metro Manila); (02) 1343 (probinsya).

Philippines Against Child Trafficking (PACT)

Rm 316 Philippine Social Science Center Bldg.

Commonwealth Ave., Diliman, Quezon City 1101

Tel: (632) 929-0347; (02) 355-4773

Mobile: 0999-3055006

Email: philippinecampaign@gmail.com

December 12 2011 International Day Against Trafficking

I.  DECEMBER 12 THEME

This coming December 12, PACT members, partners and other anti-trafficking advocates will again conduct nationally coordinated campaign activities in celebration of the International Day Against Trafficking.

PACT celebrates this year’s campaign with the theme “Komunidad Palakasin, Child Trafficking Sugpuin!”The campaign is conducted yearly in commemoration of the signing of the Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, Especially Women and Children Supplementing the United Nations Convention Against Transnational Organized Crime, also known as the Palermo Protocol.

PACT will conduct various activities all over the country also in support of the Inter Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) Day Against Trafficking campaign with the theme, Laban Kontra Human Trafficking, Laban Nating Lahat!

Significant developments occurred for the year 2011 in the campaign against trafficking. The country was elevated from Tier 2 watchlist to Tier 2 ranking by the US State Department Trafficking in Persons Report in 2011.

The hard work of civil society organizations and the resolve of government agencies and local government units to improve the implementation of RA 9208 made such an accomplishment possible.

Children are often at the risk of being exploited because of circumstances in the community. We must continue to intensify our anti-trafficking campaign to give attention to the root causes of trafficking such as globalization and poverty, culture, gender discrimination, lack of education, breakdown of families and natural and man-made disasters among others. These problems impact on both the family and the community and its intensification threaten to make children more vulnerable to trafficking.

We all need to be concerned and intervene at these levels – family and community – to address the root causes, reduce vulnerability and begin to explore a more sustainable response to child trafficking.

II.  2011 INTERNATIONAL DAY AGAINST HUMAN TRAFFICKING CAMPAIGN

In 2009, PACT reiterated that the campaign to stop child trafficking is the collective responsibility of each and every member of society through the campaign theme, “Proteksyon ng Bata, Responsibilidad Nating Lahat.”  In 2010, the call was for improving access to Justice and Protection for Children Victims of Trafficking. The call was timely as the country needed to lift itself from Tier 2 watchlist by improving the prosecution of cases, strengthening law enforcement, supporting trafficking victims by making services accessible to trafficked children and in general, effectively implementing the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

This year, we stress the important role of the community in creating an environment that will help to prevent child trafficking including ensuring that child protection mechanisms are in place.

In support of the theme, PACT supports the following calls:

  1. Encourage the political participation of stakeholders and dutybearers at the community level toward creating local mechanisms that address trafficking and other forms of child exploitation and abuse;  Specifically:
    1. Work toward the implementation of laws and policies specifically through lobby/cooperation with the LGU in coming up with anti-trafficking ordinances and other related measures in their area and monitor the implementation of such;
    2. Call for the functionalization of the Barangay Child Protection Council and/or the Barangay VAW desk to work toward preventing trafficking and responding to trafficking cases;
    3. Create monitoring and quick reaction teams at the community level;
  2. Build the capacity of the community to raise public awareness
    1. Empower communties/barangays to raise awareness on the abovementioned issues, on child trafficking,  gender and on children’s rights;
    2. Continuously address at the community level cultural perceptions and practices that abet the sexual exploitation and abuse of women and children, including family violence, consumerism, etc…
  3. Enhance the economic self sufficiency of communities to contribute in the prevention of child trafficking;
    1. Particularly bring into the community various interventions that will help to alleviate poverty;
    2. Work in an integrated and concerted manner so that people’s projects and services can create an impact at the grassroots level.
    3. Coordinate with other government agencies and civil society groups that could assist children and young people in getting education including vocational and technical skills;

Allot human and financial resources for the above-mentioned prevention and intervention programs for child trafficking.